by: P
Teka lang, Jed.
Wag ka muna mag-react ha. Feeling mo naman ikaw lang ang ex ni Ai Ai. May isa
pa kayang ex yun na mas sumikat pa sa'yo -- si Miguel Vera.
Mas
matagal nagsama sina AiAi at Miguel. Sa bagay, Jed, isang buwan nga lang pala
kayo. Kahit yung summer fling ko ata nung Grade 7 ako, mas matagal pa sa
married life niyo.
Maliban dun, mas malalim din ang naging samahan
nila. In fact, nagka-dalawang anak nga sila. Taob ka na dun. Plus, sikat na
singer si Miguel Vera nung kapanahunan niya. Naabutan mo ba yung kantang "NAIS
KO" under Viva Records...
Nais ko'y muling mahagkan at mayakap ka
pagka't pag-ibig mo ang hanap-hanap ko
sa bawat sandali sinta
nais ko'y muli kang magbalik sa piling ko
laging ikaw pa rin ang hanap
ng puso at aking damdamin
Daming nabentang album nun. E
ikaw?
Pero wag ka naman ma-insecure. Ito na lang
isipin mo, Jed, talo ka man kay Miguel pagdating sa kantahan, mas magaling ka
namang ARTISTA kesa dun. Napanood kita e. Galing mo kaya umarte nung araw ng
kasal niyo. May pa-luha luha ka pa nga habang nagwe-wedding vows diba?!
Pang-MMK! Ang buong sambayanang Pilipino, kabilang na si Tito Boy, napaniwala
mo sa iyong performance of a lifetime. Yun ang "effective acting!"
May
isa ka pang nilamang kay Miguel Vera. Ikaw, nabilhan ng sarili mong
"Bumble Bee" / Camaro. Ikaw na ang Shuma-Shia LaBeouf! Di ko alam
kung mas mahal ka talaga ni AiAi o sinwerte ka lang dahil mas madaming shows
ang Queen of Comedy nowadays.
Ang kaso, di ka lang siguro natuwa sa kulay.
Baka gusto mo sana RED, e YELLOW ang binigay sa'yo. Dapat ka nga
siguro magalit! Dapat ka nga siguro magwala, mamharibas at mangaladkad! Valid
reason kaya yun...NOT!!!
Pwede ba, Jed, next time, pag
binigyan ka ng mamahaling koche na hinding hindi mo naman maa-afford for
yourself dahil ang press release mong "family business" ay
pag-aahente lang naman pala ng Kia Pride, mag"THANK YOU" ka na lang.
To
Ex-Miguel,
Sayang di ka nagka-Camaro. Pero
sa’tin-sa’tin lang, mas nawindang ang sambayanan sa eksena niyo ni Ai-Ai dati
nang sakalin mo siya at nilawit ang ulo niya sa balcony ng condo. Isinabuhay mo
ang mga katagang, “Minsan, ang love,
nakakasakal.”
To AiAi,
Based sa mga naging EX mo, siguro
alam na natin na hindi ka talaga good judge of character. Bibigyan kita ng payo
ha. Kung matino at matinong lalaki rin lang naman ang hinahanap mo, try mo kaya
yung Ex ni Janine Tugonon.
Pareho kayong malungkot ngayon
nun. Isa pa, hindi ka huhuthutan nun kasi wala naman siyang karapatan
manghuthot based on toot toot…
Final note, Ms. AiAi. Kapag sinabing "LOVE IS A GAMBLE," wag kunin
nang literal. Hindi ibig sabihin nun SUGAROL
ang patulan mo. Anyway, hope you find your happiness. Kung hindi man with a
"Prince Charming" sa isang fairy tale, kahit with your kids and
family na lang.